Minsan tatay, minsan super hero
Inaway ko ang kalaguyo ng tatay ko noon. Kasi namuti na yung itim ng mata namin ni nanay at yung anak ko pero hindi pa rin kami sinusundo papuntang St. Mary's ni tatay. Nasaan ba kasi si tatay noon? Ayun nasa Jumeirah nasa kalaguyo niya nagluluto daw sila ng cassava. Naalala ko college pa ko nagsimula ang affair niya. Nagsimula sa konting padala hanggang hinayaan na niya si nanay na magtaguyod sa amin. Pag magbabakasyon siya sa Pilipinas, two weeks lang lagi tapos nagmamadali pa. Kaya nung nakapag Saudi ako kinarir ko ang makapunta ng Dubai. Nung dumating ako sa Dubai tinawagan ko siya. Na surprise si tatay noon kasi di naman niya alam na mag wowork na ako sa Dubai.
Di ba hindi ideal ang tatay namin?
Maaring nagkamali siya minsan pero nung ako nga nagkamali sa pag ibig, wala siyang sinabi kung di "ingat ka anak." OFW siya kaya madalas wala sa tabi namin pero nung first time ko mag abroad sa Saudi, nagulat ako nahanap niya ang telephone number ng hospital na pinagtatrabahuhan ko at tumawag siyang sinabi "lakasan mo loob mo ha, wag ka ma homesick." Wala akong matandaang father and daughter dialogue kasi tahimik si tatay hindi siya masalita pero nung iniwan ako ng ama ng anak ko, tumawag siya agad sa akin at sinabi "kilala kita alam kong kaya mo yan!" Madalas si nanay ang nasa tabi ko pag maysakit pero nung si nanay ang magkasakit, nag retire siya at inalagaan niya hamggang sa death bed si nanay. Hindi nga natutulog si tatay noon nagbabantay siya sa hospital. At kinailangan niyang ring saluhin ang pagaalaga sa anak ko dahil namatay na si nanay. HIgit sa lahat nung inaway ko ang kalaguyo niya noon, pagsundo niya sa amin, niyakap niya lang ako at sinabing, "wala na kami nun tinulungan ko lang siya. Sorry anak."
Hindi ideal father si tatay pero siya ang binigay ng Diyos na perfectly fit para sa amin. Siya yung tatay na biglang nagiging superman pag nasa bingit kami ng danger. Siya yung tatay na magsakripisyo ng matagal sa abroad para mabigyan kami ng maluwag na pamumuhay. Siya ang mc Gyver ng buhay namin dahil kahit anong sira kaya niyang kumpunihin. Minsan na nga niyang kinumpuni ang kalungkutan ko ng ako maiwan ng isang minamahal. Higit sa lahat, siya si captain barbel kasi kayang kaya niyang pasanin ano man ang mabibigat na suliranin sa buhay namin.
Ganyan si tatay, minsan tatay, minsan super hero.

No comments:
Post a Comment